Monday, May 11, 2009

Friendship

Sa buhay, walang tao ang nabubuhay may-isa. Lahat kailangan ng kasama.

Imposible na kaya mong mabuhay na walang kasama at nag-iisa ka lang. Ika nga ng marami "No man is an island".

Kaya sa bawat pagsubok ay nandyan sila upang tulungan at gabayan ka.. Yan ang KAIBIGAN!

Ano nga ba ang kaibigan? Ang kaibigan ay isang karamay mo sa mga hamon at problema na dadaan at hindi lamang sa materyal na bagay.

Maraming klase ng kaibigan. Ang iba ay nakikipag-kaibigan dahil sa sikat, mayaman at kahit ano pa. Sila ay nakatuon lamang sa materyal na bagay na meron na makakatulong sa kanila.

Pero hindi lahat ng tao ay ganyan..

May ibang kaibigan na sa hirap at ginhawa ay nandyan pa rin sa tabi mo upang tulungan ka kasi alam niyang kailangan mo siya. Yan ang TUNAY NA KAIBIGAN!

Sa mundo, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at kahit hindi mo pa nakilala ang taong yun. Darating at darating din siya.

Pero..

Pag nakilala mo na yun..

INGATAN at ITREASURE mo to!

Dahil nag-iisa lang sila!

No comments: